Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH

Pabasa.

Blog EntryJul 14, '09 12:35 PM
for everyone

Hindi ko na napapansin tong multiply ko. Sorry multiply pero hindi ko na magawang iupload ang mga pichurs ko sayo, dahil nakakasawang iupload ko lahat ng pics ko dito, tas sa facebook, tas sa friendster pa. Sino bang interesado dun?

Ito na ang kauna unahang post ko simula ng maging tambay na lang ako. Walang pera. Walang trabaho. Kulang na lang mag bisyo ulit ako. Saktong sakto na buhay ko sa pagiging tambay. Kasalanan ko bang maging tambay ako? Eh wala pa akong lisensya? Kasalanan ng gobyerno toh! Hahaha!

Medyo nakakahiyang maging tambay, pero wala akong magagawa kung hindi namnamin ang bakasyon na binigay sakin. Dahil pag nagkatrabaho na ko, buong buhay ko puro trabaho na lang.

=)


Blog EntryOct 26, '08 2:20 AM
for everyone
Ang haba talaga nung saging! Mahaba saka mabigat! Isang saging palang busog ka na!
First time lang namin makakita ng ganun. Saging ba yung o ano? Ewan. Mukang saging eh. Naka linya siya sa mga saging.

Pano kaya napahaba ng ganun yun?

Haba talaga eh!

HAHAHAHA!

Pero ang mahal, isang saging 55piso na!

Blog EntrySep 3, '08 10:22 PM
for everyone

Dito ako library. Maya pa exam ko eh.

Nabubulok na multiply ko. Haha! 

Inang yan. Excited ako sa dutdutan, may entrance fee pala iyun. 250 or 300 daw. Makakapers tym sana ako dun.

 

UN LANG.


Blog EntryOct 17, '07 7:44 AM
for everyone

 

23!  Hahaha!

23 PAETE! POOL! PAETE! HAHAH! Party! Excited na ko. Yun na yun ah! Wala ng atrasan.

ika rox net jep mark - SURE NA YAN!

joy and jie - PAALAM NA KAYO! PLEASE!! PARTY NAH!

Hindi ko na matago ang nararamdaman ko. Excited ako!

 


Blog EntryJun 25, '07 7:57 AM
for everyone

 

"forty years ago, the beatles asked the world a question. they wanted
to know where all the lonely people came from. my theory is that a
great many of the lonely people came from the hospitals. as nurses, we
ignore our own needs so we can meet our patient's needs. we ignore our
friends and families so we can save other people's friends and
families. which means at the end of the day, all we really have is
ourselves, and nothing in this world can make you feel more alone than
that." --
Grey's Anatomy

 

Ewan. nakita ko lang to kung saan.

TUNE: Sampung mga Daliri

Sampung mga daliri, panay malilikot
Nangangalabit, nandidikta at nangungurakot
Madudungis na ngipin ng pulitiko
Luho, bisyo, pati tinga pera ng publiko

TUNE: Ako ay may Lobo

Kandidatong bobo, lumipad sa langit
Di ko na nakita buhat nang ma-elect
Sayang ang boto kong mura lang ang benta
Nag-enjoy pa sana doon sa artista


Blog EntryJun 18, '07 6:30 AM
for everyone

Paumanhin sa nasabi kong wala ng matinong tumatakbo (o tumakbo).

Okay, umpisahan natin ang kwento ko mula nung friday. Nung dumating ako sa park and ride, hindi ako nagulat sa haba ng pila. Lagi namang ganun pag friday, puro naguuwian kasi mga tao(Ayun toh sa konklusyon ko). Isang oras lang naman ako naghintay sa park and ride ng bus, pilit kong tinitipid yung zagu ko para malibang naman ako habang naghihintay, kaso naubos din siya (may sense ba? haha). Nakinig na lang ako sa dalawang studyanteng nursing na sa tingin ko ay 2nd year, chikahan sila dian. Ako kinig lang. Haha! Sabi nung isa.. "Hay naku jampack talaga schedule natin! Grabe!". Habang nagkekwentuhan sila dian, ako naman.. Inip na inip na.. Ngawit na ngawit na paa at balakang ko kakatayo. Syet ang tagal talaga, ang init pa! May pagkakataon na napapatulala na lang ako. Haha! Mukang tanga? Oo! Haha!

Dumating ang oras na madalim na, syet at sakto dumating na din yung bus. Nung nakaupo na ko, may isang matanda na nakatayo sa tabi ko. Super angal siya, dada ng dada! Imbyerna talaga ako, yoko pa naman ng ganun!

Tapos sabi niya sakin, "Iha pede makiupo?" Uupo daw siya dun sa patungan ng kamay.

Sabi ko, "Sige ho."

Edi upo siya.. Ako naman gusto ko matulog kasi traffic, nung medyo nakukuha ko na yung tulog ko.. BIGLANG UMUTOT YUNG MATANDA!!! Waaah! Taena parang sinabi nung utot sakin "IN YOUR FACE!!!" Nakatapat kasi yung pwet niya sa mukha ko. Natatawa ako sa tunog ng utot niya. Tapos yung matanda, deadma lang siya.. Kunwari hindi siya umutot.

Hindi pa natapos dun yun, buti kung isang beses lang niya ginawa yung pag utot at buti kung hindi sa tapat ng mukha ko. INULIT PA NIYA NG DALAWANG BESES!!!!! AT SA HARAP NG MUKHA KO!

Napapamura na talaga ako sa isip isip ko. Bastos!! Waah! Siguro sa isip isip nung matanda.."ABA! ANG TIBAY NAMAN NG BATANG TOH! WALANG REAKSYON SA PAG UTOT KO!"

Grabe talaga! Sana naman kung alam niyang mapapautot na siya, sana sa iba niya tinapat yung pwet niya. Syet!

 

Ayun, kung sino ka mang matanda ka. Gaganti ako, sa patas na paraan! Wahahaha! Biro!

____________

Woah, andaming gagawin ngayon. Goodness! May hospital duty, 10pm to 6am ang shift ko! Medyo naeexcite ako. Haha!

May dry run sa friday. Tsk!

Program prep sa community.

RetDem.

Atbp.

Haay, give me peace.

 

 

 

 


Blog EntryMay 19, '07 8:10 AM
for everyone

 

Oh ha? Kagigising ko lang. Ansaya! Uy gusto ko mag OVERNIGHT!!! OO! OVERNIGHT! Sige na! June 1 jek.. Mag obernyt tayo.. O kaya May 30. Wachatinkhuh? Haha! Wala lang.

Rox, Pwede ba?

Mga gays, Ok ba?

WAW! HAHA!


Blog EntryMay 4, '07 8:28 AM
for everyone
 

Ok, so magdadrama ako ngayon dito.

Matagal ko na kayo kilala, hindi pa ako ganap na dalaga. Masasabi ko na yung taong yun solidong solido. Masaya ako pag kasama kayo. Puta lahat ng problema nawawala. Tangina, BISYO KAYO EH! Haha!

Sa inaraw araw na pag tetext nating lahat sa isat isa mapapansin mo tuwing PASKO, NEW YEAR, BERTDEY lang tayo nagsasabi kung ganu tayo kahalaga sa isat isa, tuwing ganung okasyon lang natin napapasalamatan yung presensiya ng isat isa. Naiintindihan ko kung bakit, dahil nakakasawa naman kung araw araw tayo tenku ng tenku! Haha! Mawawala na yung tunay na halaga ng salitang "salamat" (katulad na lang ng muahugs. Haha!) O ngayon eepal ako. Tenku mga bakla. Hayy.. shet diba ang drama?

Sa dinami dami ng punyetang problema na pinagdadaan natin (mapa indibidwal mang problema o chuva) andian pa din kayo. Tangina punong puno ng mura tong kadramahan ko. Hindi ko mapigilan, feeling ko dun ko mapapakita yung sensiridad ng mensahe na toh.. Kung pede lang puro mura na lang. Haha!

Gays, tumatanda na tayo. Sana hanggang maging dosena anak natin, andiyan pa din kayo. Gusto ko magkakaroon pa tayo ng game "Paramihan ng anak!" Hahahaha! Tae diba ansaya? Haha! Yung tipong matatanda na tayo tapos titignan natin yung mga pichur nating magaganda. Diba?

 

Alam ko madami tayong problema ngayon, MGA PAGSUBOK LAMANG YAN, WAG MO ITIGIL ANG LABAN. Haha! Ganyan lang kasimple yun. O kaya inuman na lang. Motto na ata natin yung "Just pray" Haay.. mga jek ganyan talaga ang buhay, sana ako na lang si DARNA.

O panu ang haba na nito? Sana basahin niyo with luha. Minsan lang ako magdrama. Haha! Para akong isang hayskul student na nagdadrama dahil malapit na ang graduation niya. Haha!

Mahal ko kayo!

*Haha! Introduksyon lang pala yan ng gusto ko sabihin.. INUMAN TAYO!! HAHA!*

With love, MIKKA

 

P.S. Uy ang ultimate ube ay tutugtog ngayong MAYO KWATRO. Haha! Nalaman ko lang sa klasmeyt ko. Hehe!